Paskong Pilipino sa bansang United Arabo
Masaya kasi open sila sa Pasko dito
Makukulay at maliliwanag na Christmas Tree
Masisilayan kahit saang Mall ng Emarati
Simbang gabi hindi pahuhuli ang mga Katoliko dito
Kahit walang puto bungbong solve na tayo
Kwela ang Pasko dahil kay San Miguelito
Huwag mabahala kung maubusan, me maiigiban tayo
Hindi kumpleto ang Pasko kung walang Hamon
Kaya unaunahan sa pagbili mula pa kahapon
Paskong disyerto masaya talaga
Buksan ang videoke at birit na
Mga bata buksan na ang mga aguinaldo
Binili ng mga Tito sa mall ng Indiano
Sa walang mayayakap sa malamig na gabi
Tara na biyahe tayo't maghanap ng habibti
Maligayang Pasko mga Kabayan!
© Desertpinoys 2005
Maligayang Pasko din sa iyo kabayan. Pagpalain ka nawa ng ating Panginoon sa araw araw.