Malamig na ang simoy ng hangin!


E-mail this post



Remember me (?)



All personal information that you provide here will be governed by the Privacy Policy of Blogger.com. More...



Papalamig na ang Gitnang Silangan, unti-unti ng nararamdaman ang sigla na dala ng maaliwalas na temperatura kasabay ng ihip at simoy ng Kapaskuhan. Gaya ng nakagawian sa atin na kapag may "ber" na ang dulo ng mga buwan ay hudyat ng paghahanda para sa darating na Pasko, at simula na ang pagdiriwang ng "Adviento" o ang pagdating ni Kristo.

May dala-dala nga bang aliwalas at kapanatagan ang panahon? mararamdaman pa kaya nating mga Pilipino ang pag-asang hatid nito na taon-taon nating inaasahang dumating sa ating buhay. Simple na lamang sana ang asamin nating pag-asa; na magkaroon ng pagkakaisa't kapayapaan ang ating bansang Pilipinas. Paano pa nga kaya natin ipagdiriwang ang darating na Kapaskuhan sa gitna ng krisis pampulitika't ekonomiya. Ang Piso ba'y makakaahon pa sa pagkakalugmok?...sa ating mga nasa ibayong dagat ang kakarampot na ipinapadala natin sa ating mga mahal sa buhay ay malaking tulong, mgunit paano naman sa mga ordinaryong pinoy na salat sa buhay at walang inaasahang tulong mula ninuman? Marahil sapat na siguro ang maniwala tayong may pag-asa pa ang Pilipino at higit sa lahat ay ang ating panalangin.
Panalangin: O Diyos na makapangyarihan, kami po'y higit na nagpapasalamat sa pagtatalaga mo bilang mga anak nyo sa ibayong dagat. Biyayaan nyo kami ng lakas ng loob at ibayong pagsisikap na tugunan ang pangangailangan ng aming pamilya kaalinsabay ng pagbabago't pagbangon ng aming Bansang Pilipinas. Simulan po sana namin sa aming sarili ang pagbabago at matuto kaming magsilbi sa inyo at sa aming kapwa. Kami po'y umaasa mula sa po iyong awa at kapasyahan. Amen


0 Responses to “Malamig na ang simoy ng hangin!”

Leave a Reply

      Convert to boldConvert to italicConvert to link

 


navigate

previous posts

what you've missed

links

blogroll

shoutbox


blogrules

    This Blogsite, including some of its contents is licensed under a Creative Commons License. Freedom of Expression Is Strictly Observed!!

    © Desertpinoys 2005

    Powered by Blogger e-mail me sitemeter Freedom of Speech pinoyatbp. click me so ur generous? cclicense Page copy protected against web site content infringement by Copyscape PinoyTopBlogs.com