PBB...


E-mail this post



Remember me (?)



All personal information that you provide here will be governed by the Privacy Policy of Blogger.com. More...



Pinoy Big Brother ended with Nene as the Big Winner!!!

“Milyun-milyong pasasalamat sa inyong lahat! Tagumpay natin’ to!”
Big Winner Nene Tamayo declared this statement as she shared her triumph to all the Filipinos who helped in realizing one of her biggest dreams.

Nakakatuwa rin namang isiping maraming Pilipino ang tumangkilik sa panooring tulad nito. Tunay ngang sumasalamin sa buhay Pinoy, kaya nga't di na ako nagulat kung si Nene ang nagwagi at di si Uma (paumahin sa mga tagahanga ni Uma). Marahil maraming mga manonood ang nakita ang sariling buhay sa mga nangyayari sa loob ng bahay ni Kuya.

Big Sister...
Malamang napakunot ang iyong noo. Eh sino naman si Big Sister? Kung ika'y magmamasid sa tabi-tabi makikita mo't marami sila sa iyong lugar. Sila yung mga taong umagang-umaga'y nag-eehersisyo ng kani-kanilang mga dila, yun bang mga taong mahilig mag-manman ng buhay ng may buhay at nakikilalam sa bawat galaw ng taong nakapaligid. Gaya rin sya ni Kuya na nagmamasid pero ang kaibahan nga lang ay wala syang rules-rules at nangunguna pa sa paglabag ng nito. Sa tapat ng sari-sari store, sa gate ng eskwelahan, sa boarding house, sa palengke, sa pook labahan, minsan sa umpukan, sa trabaho o kahit saan man di sya nawawala. Huli mo na ba? Localized ika-nga ang location nila kahit saan. Siguradong talo si Big Brother. Ingat lang sa mga katulad nila.

Buhay ala PBB...
Siguradong maraming Pinoy ang nabubuhay na parang PBB. Halimbawa: yung mga nakatira sa boarding house na may striktong landlady na kung saan lahat ng gawin mo'y nakikita't pinakikialaman, yung mga nakikitira ka sa kamag-anak na bawat alis mo't uwi ay inoorasan at binubusisi ang 'yong mga lakad at pinariringan ka ng "ehem" na saksakan ng dami ng kahulugan, yung mga nagbe-bedspace or sharing na lang ng kwarto sa ibang taong di mo naman kamag-anak na kung saan ay limitado ang kilos mo't baka maibida sa ibang tao ang iyong bawat galaw. Iyan ay ilan lamang sa mga halimbawa...siguradong may mga iba pang sitwasyong maihahalintulad, marami sa aming mga OFW ang nakakaranas ng buhay ala PBB na nagtitiis sa masikip na company accomodation (kasama ang mga ibang lahi), sa labour camp, sa makipot na studio flat, sa inuupahang silid na puno ng kamang double-deck para lang may matuluyan. Ikaw Kuya at Ate naranasan mo na ba 'to?

(image source)


0 Responses to “PBB...”

Leave a Reply

      Convert to boldConvert to italicConvert to link

 


navigate

previous posts

what you've missed

links

blogroll

shoutbox


blogrules

    This Blogsite, including some of its contents is licensed under a Creative Commons License. Freedom of Expression Is Strictly Observed!!

    © Desertpinoys 2005

    Powered by Blogger e-mail me sitemeter Freedom of Speech pinoyatbp. click me so ur generous? cclicense Page copy protected against web site content infringement by Copyscape PinoyTopBlogs.com