Isang paghahambing


E-mail this post



Remember me (?)



All personal information that you provide here will be governed by the Privacy Policy of Blogger.com. More...



Ano nga ba?
Napanood mo ba ang pelikulang Dubai? Ano ba sa iyo ang mensahe ng kwento, sabi ng iba ito'y kwento ng pagmamahalan at pag-asa , ang iba naman ay nagsasabing ito'y ordinaryo at wala namang bago sa tema nito, at sa mga radikal ang pagiisip ito'y nagbibigay ng maling senyales at anyo ng Dubai maling-mali daw talaga. Ano nga ba sa pagkakaalam ng isang ordinaryong Pilipino.

Halina't atin itong ihambing..

Sa Ilaw...
Ako'y napadpad sa bansang ito anim na taon na ang nakalipas na puno ng pag-asa at punong-puno ng pangarap...sa totoo lang di lahat ng pangarap ko'y natupad ngunit dito ko sinimulan ang mga nais ko sa buhay. Konti pa lang kung susumahin ang lahat ng ito. Tulad din ng isang gamu-gamo na naakit sa liwanag ng ilaw ako'y nakipagsapalaran at heto pa rin nakikibaka sa takbo ng buhay upang buoin ang nasimulang pangarap. Ngunit di lahat ng naakit sa kinang ng Dubai ay pinalad, may mga napaso at minalas, may ilan din namang nagwagi at di lumapit masyado at magpalamon sa dingas ng apoy. Parang sugal kung tutuusin ang kapalaran ng tao dito.

Sa Gamu-gamo...
Kamakailan lamang ay inihayag sa telebisyon ang modus-operandi ng mga sindikatong bumibiktima sa mga nais magpunta sa Dubai/UAE. Ikinukubli sa likod ng Visit Visa ang pangakong agarang trabaho at ginhawa ng buhay. Ngunit sa bandang huli ay isang malaking panloloko at pandaranbong lamang sa kapwa Pilipno ang lahat matapos maibenta, maisanla ang mga ari-arian at mabaon sa pakakautang para lamang makarating sa Ilaw na inaasam.

Ang sa ganang akin ay isang babala lamang "kabayan 'wag kang isang gamu-gamung tatanga-tanga, huwag sugod ng sugod bagkus ay maging isang gamu-gamung matalino. Maging mapagmasid at wag mag-atubiling di magduda ika nga eh "some things are to good to be true".

Uri ng gamu-gamo sa Dubai/UAE
1. Gamu-gamong opisina at kalakaran
2 Gamu-gamong ospital at clinics
3. Gamu-gamong eskwelahan
4. Gamu-gamong hypermarket at malls
5. Gamu-gamong hotel & restaurant
6. Gamu-gamong freezones, industrial areas at drydocks
7. Gamu-gamong katulong sa bahay
8. Gamu-gamong freelancer (nag-ca-carlift, bumili ng sariling visa, madiskarte)
9. Gamu-gamong kung umasta sheika (ah taas kamay ko sa mga to! )
10.Gamu-gamong baon sa utang (walang maipadala sa pinas,may loan at credit card na binabayaran )
11.Gamu-gamong mababa ang lipad (siguro)
12.Gamu-gamong inip, ligaw, walang patutunguhan, sabik atbp.
13.Gamu-gamong Visit-visa (mapalad, naloko, umaasa)
14.Gamu-gamong Kish Island (stranded)
15.
Gamu-gamong Rehas (nasa piitan sa iba't ibang kadahilanan)

Ikaw saan ka nabibilang?


0 Responses to “Isang paghahambing”

Leave a Reply

      Convert to boldConvert to italicConvert to link

 


navigate

previous posts

what you've missed

links

blogroll

shoutbox


blogrules

    This Blogsite, including some of its contents is licensed under a Creative Commons License. Freedom of Expression Is Strictly Observed!!

    © Desertpinoys 2005

    Powered by Blogger e-mail me sitemeter Freedom of Speech pinoyatbp. click me so ur generous? cclicense Page copy protected against web site content infringement by Copyscape PinoyTopBlogs.com